top of page

Paggunita sa Anibersaryo ng Pagboto ng Babae sa Pilipinas

SA kauna-unahang pagkakataon, nakaboto ang mga babae sa Pilipinas noong halalang lokal ng 14 Disyembre 1937. Ito ay matapos paboran ng halos 90% ng mga botanteng Pilipino sa isang napakaespesyal na plebesito na isinagawa noong 30 Abril 1937 ang pakikilahok ng kababaihan sa politika. Upang markahan ang makasaysayang araw na iyon, isang awit ang kinatha na pinamagatang "¡¡¡Votad!!!" (Bumoto!!!). Nagsama-sama ang mga manunulat na sina J. Hernandez Gavira, Amado V. Hernandez, at V. L. del Fierro sa paglikha sa titik ng naturang awit sa wikang Espanyol, Tagalog, at Ingles. Nilapatan naman ito ng himig ni Maestro Luis F. Borromeo. . . . "Bumoto!!!" ni Amado V. Hernandez Oras ngayon ng labanan Ang babai’y tinatawagan Magsiboto at itanghal, Ang ating kasarinlan Magsiboto upang tayo ay magtagumpay; Nasa kamay at utak ng kababaihan Ang pag-asa rin ng bayan at ang panaginip ni Rizal. --Koro-- Magsiboto, magsiboto atin ipakilala Magkaisa sa suprahio ina, anak, asawa Magbalikuas ang lahi Maria Clara at Selia. Magsiboto at itanghal Ang Diwang Pilipina. Magsiboto, magsiboto atin ipakilala Magkaisa sa suprahio ina, anak, asawa Magbalikuas ang lahi Maria Clara at Selia. Magsiboto at itanghal Ang Diwang Pilipina. . . . "Vote!!!" by V. L. del Fierro Here at last has come the hour to fight We must all go and cast our votes, For the suffrage of the women Which will give us liberty. For the moment of redemption has now come to us Women fight religiously for victory is ours; Therefore let us rush to battle For the ideals of the great Rizal. —Chorus— Let us all vote, let us all vote. For the nation’s highest good, Let us join in our prayers For the country’s liberty We will win with the energy Of the people’s valiant will; Let us all vote, let us all vote. For our nation’s sacred cause. . . . "¡¡¡Votad!!!" por J. Hernandez Gavira Es la hora de la lucha, a prestemos todas a votar Por el voto femenino quenos de la libertad Hallegado el momento de la redencion Obren todas las mujeres con fe y valor Vamos todas a luchar. Por los ideales de Rizal. --Coro-- Voten todas, voten todas por el bien de la nacion Por el triumfo del sufragio de la patria redencion Vence remos con la fuerza De la gesta popular Vota remos, vota remos! Por la gloria Nacional. Voten todas, voten todas por el bien de la nacion Por el triumfo del sufragio de la patria redencion Vence remos con la fuerza De la gesta popular Vota remos, vota remos! Por la gloria Nacional. Mula sa koleksyon ni Nimia S. L. Lopez ng Jaro, Lungsod ng Iloilo, na kaloob ni Perfecto Teodoro Martin Sinet sa MIDI file ni Iscarleth Mae Perez ng Project Huni Video editing ni Olivia Parian ng Project Saysay . . . Taglay ang adhikaing "Muling pailanlangin ang mga makasaysayang himig," layunin ng Project Huni na ibahagi sa mga Pilipino ang mga makasaysayang piyesa nang muling marinig at upang maisalba sa limot. Tulad ng mga winika ng mga dakilang Pilipino, may saysay at salaysay ang mga komposisyon na nais itawid sa ating panahon. Katuwang ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at iba pang aklatan at pribadong kolektor ng mga piyesa, sisikaping irekord ng mga mang-aawit at musikerong kaibigan ng Project Saysay ang mga ito. Hango ang pangalan ng adbokasiya mula sa salitang Filipino na "huni" o tinig ng ibon, habang ang logo nito ay titik "Hu" sa Surat Mangyan.

Featured Posts
Recent Posts
bottom of page