Xiao Time Philippine History Index, Available Na!
Bilang bahagi ng aming adbokasiya na magbigay-saysay sa ating kasaysayan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iba't ibang mga makabuluhang batis pangkasaysayan, ibinabahagi ng Project Saysay ang una nitong publikasyon: ang Xiao Time Philippine History Index.
Laman ng index na ito ang lahat ng naging episodes ng Xiao Time na naka-upload sa YouTube at sa page ng Project Saysay mula 2012 hanggang 2018. Ginawa ang proyektong ito ng Project Saysay sa pakikipagtulungan kay Propesor Michael Charleston "Xiao" Chua, na nagsilbing Author and Content Manager. Sa panig naman ng Project Saysay, si G. Ian Alfonso naman ang nagsilbing Chief Editor, habang si G. Mhel Angelo Policarpio ang naging Managing Editor. Nagsilbing Artistic Director naman si G. Alvin Lorena na siyang nagdisenyo ng nasabing aklat.
Naka-arrange na rin ito batay sa iba't ibang mga tema o paksa sa Kasaysayan ng Pilipinas, mula sa Konsepto ng Kasaysayan hanggang sa Kontemporaryong Kasaysayan ng Pilipinas. Hangarin nito na matulungan ang mga guro na makahanap ng makabuluhan at mahusay na batis pangkasaysayan na maari nilang gamitin sa klase, lalo ngayong panahon ng pandemya.
Maari ma-download ang index sa link na ito.
ความคิดเห็น